books.notes.teachers.classmates.exams
lahat naman yan nasa college and high school di ba? But what makes these levels different from each other..
well, let us see..
sa high school, madaming subjects na di magkakarelate?(english, math,science,history).. kaylangan pag-aralan lahat during exams. Tapos di naman magagamit pagdating ng college. For example, yung history,kaylangan ba yan ng mga course ay nursing.. Unlike sa college, na yung mga pinag-aaral eh yung major subjects na depende sa course. Although may minor subjects pa rin, di na ganun karami kasi more on major subjects na talaga.
sa college, mas natututo na tayo maging independent especially when you’re living away from home. Mas natututo na tayo magbudget kasi madalas weekly binibigay yung allowance. Nalalaman na natin kung paano gumawa ng paraan sa iba’t-ibang bagay. Di katulad nung highschool pa tayo na laging umaasa sa parents. Konting bayarin sa school, parents agad. Projects, parents nanaman. At least nung magcollege tayo, we have learned to stand on our own.
mas nagkaroon tayo ng freedom nung magcollege. Totoo naman di ba? Mas nakakapunta kung saan-saan ng di alam ng parents. Syempre, tayo gumagawa ng schedule natin eh.. sasabihin sa parents, hanggang 5pm pa yung klase, pero ang totoo hanggang 12pm lang pala.. ayun, meron pang 5 hours na time para gumala. Eto pa, yung mga nag-aaral sa malayo, sasabihin traffic daw kapag late na nakauwi, pero ang di alam ng parents, naglakwatsa lang pala.. di nga naman magawa yan nung highschool kasi madalas malapit lang yung school, minsan pa nga walking distance lang eh.. oh, di ba? Paano nga naman sasabihin na traffic kapag gabi nanakauwi, eh halos katabi lang ng school yung bahay. Sino niloko mo kapag ganun?
hmm.. ano pa ba? Mas nakakastress ang college life.. sa dami ba naman ng ginagawa.. termpapers, reports,plates dagdagan mo pa ng org.. sino ba naman di mastrestress dun.. buti pa nung high school, may mga projects nga pero di naman gaano nakakapressure(yung iba lang..)
college and high school, may pagkakaiba man sila, pareho pa rin natin sila mapagdadaanan. :)
No comments:
Post a Comment