Sino ang nagturo? Kalian nagsimula? Paano ako natuto?
Ikaanim na baitang.
Nasimulan kong makilala ang INTERNET. Dito ko unang narinig ang salitang e-mail. Ang yahoo at google ay dito rin nagsimulang pumasok sa aking utak.
Dahil sa hindi pa lahat nakakagamit ng internet, hindi lahat ay may e-mail address. Sikat ka ‘pag meron ka nun. Isa sa sampu lamang ang meron. At kabilang ako dun sa siyam.
First year high school.
May computer subject kami nun at ang internet ay libre. Hindi pala masasabing libre yun dahil kasama sa tuition. May schedule ang pag-iinternet noon sa aming paaralan. Ipapatawag ka nalang kapag ikaw na ang naka-iskedyul. Kahit pa may klase kayo.
Pagdating ng computer room, ang bubulaga sa screen ay ang “love calculator”. Isang website kung saan iisusulat mo ang pangalan ng dalawang tao at titignan ang kanilang compatibility rate. Dahil ‘yan lang at ang yahoo pati google ang alam kong website noon, hindi ko masyado nagustuhan ang internet.
Meron pa pala akong alam na website. Ang SFOGS. Yung mga nakakatakot na piktyurs. Dahil dun, mas lalong di ko nagustuhan ang internet. naiisip ko kasi na baka lahat ng mga website ay ganun.
Second year high school
Bakasyon ‘yun. Sinama ako ni ate belen (tita sa father’s side ng pinsan kong galing sa mother’s side) sa isang internet café na malapit sa bahay nila. Dito nya ipinakilala sa akin ang largest online network community sa pilipinas, ang friendster. Nag-sign up ako. At nilagyan ang mga espasyo na dapat lagyan. Naalala ko pa, ang unang e-mail address ko nun ay bluebunny_42@yahoo.com. Di ko alam kung buhay pa ‘yan o namahinga na ng tuluyan.
Nang magpasukan, bukod sa cellphone number ay hinihingi na rin ng mga kakalase ang e-mail address. Sabay sabing “iaad kita sa friendster ah?”.
Dahil 3310 palang ang cellphone ko, hindi pa ako makakapagpicture-picture ng sarili na pwedeng iupload sa friendster. Kaylangan mo muna mag-iscan ng mga picture bago makapaglagay. Eh dahil namamahalan ako sa pag-papaiscan, puro galing sa yahoo ang picture ko. minsan na akong naging butterfly, naging pusa, o anime, depende sa kung ano ang nasearch ko sa yahoo o google.
Third year high school
Dito na nagsulputan ang naggagandahang layout sa friendster. Manghang-mangha ako nun ng una kong Makita ang layout ni leah (klasmeyt ko nung third year). Mga hearts yun na pink and white. Sobrang inisip ko kung paano ginawa yun. Hanggang sa tinuruan ako ng isa sa mga nagbabantay sa internet café.(tenkyu ate!)
Nang matuto na ako, halos every week iba-iba ang layout ko.(sosyal!) bukod sa pagpapalit ng layout, natutunan ko na rin ang paglalagay ng iba pang elements sa page. May mga pumapatak na salita, mga may glitter na litrato at kung anu-ano pa. nilagay ko lahat yan hanggang sa naging masakit na sa mata ang page ko. di nagtagal ay nagsawa na ako at ibinalik nalang sa simple iyon.
Fourth year high school
Nasa computer room kami nun. Katabi ko si may-ann (klasmeyt ko nung third at fourth year). May tinitignan silang video sa monitor. Nakiusyoso naman ako. Namangha ako sa page. “Hindi yun friendster ah, ano kaya yun?”. ‘yan ang aking nasabi sa sarili. Tinignan ko ang url. Namangha nanaman ako dahil kakaiba ito. nandun mismo ang pangalan mo sa url, astig! Tinanong ko kung kanino iyon. Kay leah daw. Kay leah nanaman.
Nang mag-internet ako, pinuntahan ko ang site nya. Dun ko nalaman na multiply pala iyon. Nagsign –up nanaman ako. Ang una ko pang url ay maesarah.multiply.com- oh, wag nyo puntahan dahil inabandona ko na yan.
First Year College
Dyan ko na inayos ang lahat ng account ko online. Ang friendster at multiply. Ang friendster ay ginawa kong daan para magkaroon ng komunikayon sa mga dating kakilala at ang multiply ay ginawa kong photo album.
Nadagdagan ang kaalaman ko sa internet. nagkaroon na rin ako ng deviantart, imeem, myspace at kung anu-ano pa. dito rin ipinakilala sakin ni hazel( di na si leah), ang blogspot.
Second Year College
Bakasyon, bago ako magsecond year. Inayos nga ito. ang aking blogspot account. Ang aking bagong tahanan. Sa ngayon, dito ako madalas magpunta. Dahil dito, mas nagkakaroon ako ng kalayaan na gawing sa akin na sa akin ang page na ‘to. Yun bang, ako ang bahala sa mga ilalagay kong elemento. Yun nga lang, may karugtong pa ‘ring .blogspot.
Sana, pag tumagal-tagal eh magkaroon na ako ng sariling domain. Sana. Sana.
Tuesday, June 24, 2008
Sunday, June 22, 2008
ang konbersasyon
Ang mababasa nyo sa baba ay ang konbersasyon ni sar at ni sar(kausap nya ang sarili)
Isang araw..
Sar: (malalim na nag-iisp at nakatingin sa salamin)
Sar-salamin: (biglang nagsalita) what’s your problem?
Sar: (nagulat) eh??!!?
Kaylan pa ako natutong mag-english?
Sar-salamin: kanina lang. namemorize mo kasi yung sa commercial.
Sar: oh? Eh di kung ang sinabi pala sa commercial eh “what are you eating?” ganun yung sasabihin mo kahit wala akong kinakain?
Sar-salamin: parang ganun na nga.
Teka,parang ang lalim ng iniisip mo?
Sar: oo, iniisip ko kasi kung…
Sar-salamin: kung?
Sar: patapusin naman sana ako diba? Bigla ka nanaman kasi nagsalita
Sar-salamin: sorry naman. Sige na, magsalita ka na
Sar: ayun nga,iniisip ko kung paano ko maoovercome yung inferiority complex?
Sar-salamin: bakit, may ganun ka?
Sar: obvious ba?
Sar-salamin: eh ano problema mo dun?
Sar: kasi naman, feeling ko wala akong ibang kayang gawin.
Sar-salamin: marunong ka magdrawing.
Sar: oo nga, pero di kasing-galing ng iba.
Sar-salamin: eh, marunong ka din naman kumuha ng piktyurs…
Sar: pero di parin kasing –galing nila. Di man lang ako nag-eexcel sa kahit ano..
Sar-salamin: wag mo isipin yan, atleast marunong ka sa maraming bagay. Mas ok yun kaysa naman nag-eexcel ka nga, pero sa isa lang. diba? atsaka malay mo, meron ka pang undiscovered talents. At dun ka mag-excel. Magpractice ka lang para ma-enhance yung mga dati mo ng talents tapos sumubok ka rin ng mga bagong bagay. Malay mo may madiscover kang bago mong talents.
Sar: tenkyu sar!
Sar-salamin: you’re welcome sar…
at dyan natatapos ang konbersasyon ni sar at sar-salamin.
minsan lang magseryoso yan kaya pagbigyan nyo na..

Tuesday, June 17, 2008
yabang pinoy
Labimpitong taon. Labimpitong taon na ako nabubuhay at naninirahan dito sa perlas ng silangan. Sa dami ng taon na ginugol ko dito, marami akong bagay na napapansin.
Sa halos linggo-linggo ako na nagbabyahe, lagi kong napapansin ang mga iskwater sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod. Oo, hindi sila magandang tignan. Madungis, marumi at hindi maayos ang kanilang tirahan. Nakakapangit nga naman ito sa ating bansa. Pero, wala ba kayong ibang napapansin?
Naisip nyo ba na napakamapamaraan at malikhain ng mga taong gumawa nito? Ilang pirasong kahoy, ilang yero, ilang bakal(kung masweswertehan na makakuha) at minsan ay ilang plastic at sako din, isama mo na rin ang gulong. At makakagawa na sila ng isang bahay. Isang bahay na may bintana, bubong, pintuan at mga haligi. Minsan ay studio-type lang o pag mas maraming materyales ang nadilehensya ay nalalagyan pa ng mga divider para magkaroon ng kuwarto. Ang nagawang bahay ay maaaring tirahan ng sampu o higit pang tao. Depende kung gaano karami ang magkakasya sa isang mumunting silungan.
Bukod sa tirahan nila, isa ko pang napansin ay ang mismong mga nakatira dito. Isang larawan ng pinoy. Kahit anong hirap ng buhay ay napagtyatyagaan pa rin. Kahit anong saklap ng mangyari ay di pa rin nawawalan ng pag-asa. At kahit anong lungkot ay napapalitan pa rin ng mga ngiti at tawa. Yan ang lahi ko. Nasasabayan ang agos ng buhay.
May ilang nga talagang mga bagay ng kung ating titignan ay hindi maganda sa imahe ng ating bansa at sa imahe natin bilang Pilipino. Pero kung ang mga iyan ay ating titignan sa ibang pananaw, makikita natin na dito lumalabas ang mga katangian ng ating mahal na lahi na pwedeng ipagmalaki.
Pinoy ako, ipagmamalaki ko ‘to.
ang post na nabasa nyo ay aking isunulat para sa yabang pinoy.com
http://www.yabangpinoy.com/akingpahayag.html

Wednesday, June 11, 2008
pers day
pasukan na naman..
hawak ko ay ballpen at papel. hindi para magsulat ng lecture notes o magkompyut ng equations kundi para ikwento sa inyo ang nangyari sa aking pers day.
maaga akong gumising kanina. ibang-iba sa kinagisnan ko noong bakasyon. pagkatapos nun ay naligo na ako at nagbihis. alas syete kasi ang aming pasok.
pagdating ko sa iskul, ganun pa rin, dating mga kaklase at dating mga kaibigan na ngayon ay kaklase nalang. sila-sila pa rin ang ang makakasama ko sa buong semester na 'to.
may mailan-ilan ring nagbago. nandyan ang bagong mga prof, bagong mga kaklase na galing sa 1-9, bagong pinturang classroom at bagong taong makakasalubong sa hallway- ang mga freshmen.
hindi pa regular ang klase namin ngayon. puro paunang salita lang muna. kaya naman maaga kaming pinauwi. paglabas ng classroom, bumaba kami para bumili ng uniporme. kaylangan ko na talaga magpalit ng uniporme dahil medyo tumaba ako. medyo lang naman.
pagkatapos nun ay kanya-kanyang lakad na. ang mga kasama ko ang may sari-sariling pupuntahan. kaya naman mag-isa nalang ako. nung una, hindi ko alam kung san ako pupunta. medyo nag-isip ako sandali at ayun nga, napagdesisyunan ko na magwithdraw nalang ng allowance.
habang naglalakad ako. ang dami kong iniisip. iniisip ko nun kung paano kaya kung ako lang mag-isa sa buong semester. yun 'bang loner. mas masaya kaya ako? kasi sa sinamahan 'kong grupo noon, hmm.. no comment nalang.
bukod dun, iniisip ko rin habang naglalakad kung ano ang aking kakainin dahil mahilo-hilo na ako sa gutom. hindi kasi ako kumain ng tanghalian.
patuloy lang ako nun hanggang sa may gumambala na isang pers year sa aking magandang pagmumuni-muni. marahil ay naliligaw. nagtanong sya at sinagot ko naman.
pagkatapos ay nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, hanggang sa nakarating ako sa aking parooonan. nagawa ko na din ang dapat gawin kaya naman bumalik na ako sa dorm at eto nga, nagpost ako ng isang blog entry.
ayun lang naman ang mga nangyari.. salamat sa pagbabasa..

Tuesday, June 10, 2008
balik sa buhay dormitoryo
balik na sa paaralan bukas.. kaya naman balik buhay dormitoryo na rin ako.. syempre.. nag-ayos na ako ng gamit na kakaylanganin sa buong taon.. minsan nalang ako makakauwi sa bahay kaya dapat lahat ng kaylangan ko, nandito na.. lahat ata ng gamit ko sa bahay eh dinala ko na. pero naayos ko na yun bago palang magpasukan kaya ngayon, wala na ako masyadong inayos. eto po pala yung iba sa mga gamit ko.. trip ko lang picturan.. bakit ba?
siguro tinatanong nyo kung masaya magdorm? pero kung hindi nyo man tinatanong, sasabihin ko pa rin.. bakit ba?
hmm.. oo, masaya.. andami pwedeng gawin.. tapos matututo kang maging independent.. pero kung ako tatanungin kung ano mas gusto ko, mas gusto ko pa rin sa bahay.. there's no place like home nga daw..

Monday, June 9, 2008
basahin nyo 'to
Wuhoo! Back-to-school na naman bukas..
Nye.. akala mo ang saya ko no? pakitang tao lang yan.. para makita nila mama na excited ako mag-aral.. (para naming makikita?) para madagdagan ang allowance.. anong connect? May connect yan.. ‘pag nakita nila na you’re eager to learn(yes ,English), matutuwa sila.. tapos baka maisipan nila na dagdagan yung allowance.. oh ha, oh ha.. may natutunan na naman kayo..
Balik sa pinag-uusapan, nakakatamad pa pumasok.. sabihin nyong hindi.. (chorus: H-I-N-D-I). haynako, ‘wag na nga kayong ganyan, di naman nila naririnig eh.. sa totoo naman talaga, nakakatamad PA. kasi nasanay tayo sa bakasyon. Tayo gumagawa ng sarili nating schedule. Gigising tayo ng kahit anong oras nating gusto at matutulog din ng kahit anong oras. Pero wala eh, lahat ng bagay ay may katapusan. At bukas na ang katapusan ng maliligayang araw ko. Balik sa dating gawi nanaman, gigising ng maaga, maliligo ng maaga, kakain ng maaga (minsan hindi ako kumakain.. –wala lang, sinabi ko lang), tatakbo ng maaga( tumatakbo kami kasi baka maleyt!). lahat nalang ng bagay kaylangan gawin ng maaga. Nakakatamad! (ang tamad ko talaga no? sorry naman..).
Bukod sa paggising ng maaga, magsisimula na rin ang mga “SLEEPLESS NIGHTS”. Bakit? Tambak-tambak na plates na naman ang ibibigay sa amin.
Tapos bukod pa dun, makikita mo nanaman yung mga kaklaseng medyo konting “kaaway”?.. (may nakarelate ba?) di ako yun ah.. (defensive?) di talaga.. FRIENDS ko sila lahat.. totoo ‘yan.. Pramis po!
Hay, hay.. dami ko reklamo no? pero wala ako magagawa eh.. bukas na talaga.. para lang akong natulog ng buong 2 months, nanaginip, binangungot.. tapos biglang nagising at sinabi ko.. “ay, bukas na pala yung pasukan?”..
Ang BIG DEAL ng pasukan para sa ‘kin no? talagang ginawan ko pa ng blog post.
Ehh.. kasi naman, tinatamad pa talaga ako.. pero kaylangan eh.. haaaaaaaaaay.. sige na nga.. tatanggapin ko na.. pasukan na bukas! YEY! Ang saya ko.. T.T
Ayun lang po masasabi ko ngayon.. pasenya na kung parang ang gulo ng post ko ngayon ah.. gulong-gulo na kasi ako eh.. kasi pasukan na.. (ano naman?) basta, basta.. salamat sa pag-babasa nito.. alam ko naman binasa nyo lang ‘to dahil sa title.. kaya sa susunod, di porket sinabi na basahin, eh babasahin nyo agad.. baka wala naman palang kwenta. Pero pano nyo nga naman malalaman kung may kwenta oh hindi kung ‘di nyo babasahin? Di ba? Kaya basahin nyo nalang din.. naguluhan kayo no? ‘yan talaga yung objective ko. Gusto ko kasi kayong madamay sa pagkagulong-gulo ko.. (*EVIL LAUGH*) tama na nga ‘to.. ayoko na.. babay!
P.S.
Meron na din pala akong account sa deviantART. ayun yung link oh. Sa may kaliwa. Oo, yun nga. Nakita nyo? Bisitahin nyo kung gusto nyo. Kung gusto lang naman. Kung ayaw nyo, eh ‘di wag.

Subscribe to:
Posts (Atom)