pasukan na naman..
hawak ko ay ballpen at papel. hindi para magsulat ng lecture notes o magkompyut ng equations kundi para ikwento sa inyo ang nangyari sa aking pers day.
maaga akong gumising kanina. ibang-iba sa kinagisnan ko noong bakasyon. pagkatapos nun ay naligo na ako at nagbihis. alas syete kasi ang aming pasok.
pagdating ko sa iskul, ganun pa rin, dating mga kaklase at dating mga kaibigan na ngayon ay kaklase nalang. sila-sila pa rin ang ang makakasama ko sa buong semester na 'to.
may mailan-ilan ring nagbago. nandyan ang bagong mga prof, bagong mga kaklase na galing sa 1-9, bagong pinturang classroom at bagong taong makakasalubong sa hallway- ang mga freshmen.
hindi pa regular ang klase namin ngayon. puro paunang salita lang muna. kaya naman maaga kaming pinauwi. paglabas ng classroom, bumaba kami para bumili ng uniporme. kaylangan ko na talaga magpalit ng uniporme dahil medyo tumaba ako. medyo lang naman.
pagkatapos nun ay kanya-kanyang lakad na. ang mga kasama ko ang may sari-sariling pupuntahan. kaya naman mag-isa nalang ako. nung una, hindi ko alam kung san ako pupunta. medyo nag-isip ako sandali at ayun nga, napagdesisyunan ko na magwithdraw nalang ng allowance.
habang naglalakad ako. ang dami kong iniisip. iniisip ko nun kung paano kaya kung ako lang mag-isa sa buong semester. yun 'bang loner. mas masaya kaya ako? kasi sa sinamahan 'kong grupo noon, hmm.. no comment nalang.
bukod dun, iniisip ko rin habang naglalakad kung ano ang aking kakainin dahil mahilo-hilo na ako sa gutom. hindi kasi ako kumain ng tanghalian.
patuloy lang ako nun hanggang sa may gumambala na isang pers year sa aking magandang pagmumuni-muni. marahil ay naliligaw. nagtanong sya at sinagot ko naman.
pagkatapos ay nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, hanggang sa nakarating ako sa aking parooonan. nagawa ko na din ang dapat gawin kaya naman bumalik na ako sa dorm at eto nga, nagpost ako ng isang blog entry.
ayun lang naman ang mga nangyari.. salamat sa pagbabasa..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Kami rin eh hindi pa regular yung class kaya masaya pa ko. hehe. anyway sana may makilala ka ng mga new friends.
preho tau sis.. hehe.. 3 days n nga kme haf day.. d p mxado regular ang klase khit hs plang.. hehe ..tntmad p cguro cla.. haha
Wee, pareho tayong lumaki ng konti nung summer! Pero ayaw akong ibili ng uniporme ng aking ina kaya ayun, buti ka pa! :D
wat happen ba sa barkada mo dati?..
hehe.. kaya mo yan..pero wag kang mag paka loner, mahirap mag1.. okie? godbless..
Post a Comment