Tuesday, June 24, 2008

unang tapak sa cyber world

Sino ang nagturo? Kalian nagsimula? Paano ako natuto?

Ikaanim na baitang.

Nasimulan kong makilala ang INTERNET. Dito ko unang narinig ang salitang e-mail. Ang yahoo at google ay dito rin nagsimulang pumasok sa aking utak.
Dahil sa hindi pa lahat nakakagamit ng internet, hindi lahat ay may e-mail address. Sikat ka ‘pag meron ka nun. Isa sa sampu lamang ang meron. At kabilang ako dun sa siyam.

First year high school.

May computer subject kami nun at ang internet ay libre. Hindi pala masasabing libre yun dahil kasama sa tuition. May schedule ang pag-iinternet noon sa aming paaralan. Ipapatawag ka nalang kapag ikaw na ang naka-iskedyul. Kahit pa may klase kayo.
Pagdating ng computer room, ang bubulaga sa screen ay ang “love calculator”. Isang website kung saan iisusulat mo ang pangalan ng dalawang tao at titignan ang kanilang compatibility rate. Dahil ‘yan lang at ang yahoo pati google ang alam kong website noon, hindi ko masyado nagustuhan ang internet.
Meron pa pala akong alam na website. Ang SFOGS. Yung mga nakakatakot na piktyurs. Dahil dun, mas lalong di ko nagustuhan ang internet. naiisip ko kasi na baka lahat ng mga website ay ganun.

Second year high school

Bakasyon ‘yun. Sinama ako ni ate belen (tita sa father’s side ng pinsan kong galing sa mother’s side) sa isang internet café na malapit sa bahay nila. Dito nya ipinakilala sa akin ang largest online network community sa pilipinas, ang friendster. Nag-sign up ako. At nilagyan ang mga espasyo na dapat lagyan. Naalala ko pa, ang unang e-mail address ko nun ay bluebunny_42@yahoo.com. Di ko alam kung buhay pa ‘yan o namahinga na ng tuluyan.
Nang magpasukan, bukod sa cellphone number ay hinihingi na rin ng mga kakalase ang e-mail address. Sabay sabing “iaad kita sa friendster ah?”.
Dahil 3310 palang ang cellphone ko, hindi pa ako makakapagpicture-picture ng sarili na pwedeng iupload sa friendster. Kaylangan mo muna mag-iscan ng mga picture bago makapaglagay. Eh dahil namamahalan ako sa pag-papaiscan, puro galing sa yahoo ang picture ko. minsan na akong naging butterfly, naging pusa, o anime, depende sa kung ano ang nasearch ko sa yahoo o google.

Third year high school

Dito na nagsulputan ang naggagandahang layout sa friendster. Manghang-mangha ako nun ng una kong Makita ang layout ni leah (klasmeyt ko nung third year). Mga hearts yun na pink and white. Sobrang inisip ko kung paano ginawa yun. Hanggang sa tinuruan ako ng isa sa mga nagbabantay sa internet café.(tenkyu ate!)
Nang matuto na ako, halos every week iba-iba ang layout ko.(sosyal!) bukod sa pagpapalit ng layout, natutunan ko na rin ang paglalagay ng iba pang elements sa page. May mga pumapatak na salita, mga may glitter na litrato at kung anu-ano pa. nilagay ko lahat yan hanggang sa naging masakit na sa mata ang page ko. di nagtagal ay nagsawa na ako at ibinalik nalang sa simple iyon.

Fourth year high school

Nasa computer room kami nun. Katabi ko si may-ann (klasmeyt ko nung third at fourth year). May tinitignan silang video sa monitor. Nakiusyoso naman ako. Namangha ako sa page. “Hindi yun friendster ah, ano kaya yun?”. ‘yan ang aking nasabi sa sarili. Tinignan ko ang url. Namangha nanaman ako dahil kakaiba ito. nandun mismo ang pangalan mo sa url, astig! Tinanong ko kung kanino iyon. Kay leah daw. Kay leah nanaman.
Nang mag-internet ako, pinuntahan ko ang site nya. Dun ko nalaman na multiply pala iyon. Nagsign –up nanaman ako. Ang una ko pang url ay maesarah.multiply.com- oh, wag nyo puntahan dahil inabandona ko na yan.

First Year College

Dyan ko na inayos ang lahat ng account ko online. Ang friendster at multiply. Ang friendster ay ginawa kong daan para magkaroon ng komunikayon sa mga dating kakilala at ang multiply ay ginawa kong photo album.
Nadagdagan ang kaalaman ko sa internet. nagkaroon na rin ako ng deviantart, imeem, myspace at kung anu-ano pa. dito rin ipinakilala sakin ni hazel( di na si leah), ang blogspot.

Second Year College

Bakasyon, bago ako magsecond year. Inayos nga ito. ang aking blogspot account. Ang aking bagong tahanan. Sa ngayon, dito ako madalas magpunta. Dahil dito, mas nagkakaroon ako ng kalayaan na gawing sa akin na sa akin ang page na ‘to. Yun bang, ako ang bahala sa mga ilalagay kong elemento. Yun nga lang, may karugtong pa ‘ring .blogspot.

Sana, pag tumagal-tagal eh magkaroon na ako ng sariling domain. Sana. Sana.

5 comments:

TENTAY™ said...

naku naku, ako din i want my own domain name. ang weird eh noh, i work for a webhosting company pero di ako makabili ng sarili ko domain name. hahahahaha. thanks for dropping by. ex linx? =)

http://tentaypatis.blogspot.com/

Anonymous said...

second year hayskul ako ng maexpose ako sa internet.

don na rin ako natuto mag email, makipagchat, at magsurf ng porn.

Anonymous said...

yes! sfogs.com. but its gone!

arnie said...

between 2nd and 3rd year high school naman ako nagging netizen. hehe! antagal.:O

Anonymous said...

daan din kayo sa site ko... ako nga google ang una kong tinapakan sa cyber world... dun kame nag sesearch at that time Php 50 pa per hour ang bayad!

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape