Tuesday, June 17, 2008

yabang pinoy

Labimpitong taon. Labimpitong taon na ako nabubuhay at naninirahan dito sa perlas ng silangan. Sa dami ng taon na ginugol ko dito, marami akong bagay na napapansin.
Sa halos linggo-linggo ako na nagbabyahe, lagi kong napapansin ang mga iskwater sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod. Oo, hindi sila magandang tignan. Madungis, marumi at hindi maayos ang kanilang tirahan. Nakakapangit nga naman ito sa ating bansa. Pero, wala ba kayong ibang napapansin?

Naisip nyo ba na napakamapamaraan at malikhain ng mga taong gumawa nito? Ilang pirasong kahoy, ilang yero, ilang bakal(kung masweswertehan na makakuha) at minsan ay ilang plastic at sako din, isama mo na rin ang gulong. At makakagawa na sila ng isang bahay. Isang bahay na may bintana, bubong, pintuan at mga haligi. Minsan ay studio-type lang o pag mas maraming materyales ang nadilehensya ay nalalagyan pa ng mga divider para magkaroon ng kuwarto. Ang nagawang bahay ay maaaring tirahan ng sampu o higit pang tao. Depende kung gaano karami ang magkakasya sa isang mumunting silungan.

Bukod sa tirahan nila, isa ko pang napansin ay ang mismong mga nakatira dito. Isang larawan ng pinoy. Kahit anong hirap ng buhay ay napagtyatyagaan pa rin. Kahit anong saklap ng mangyari ay di pa rin nawawalan ng pag-asa. At kahit anong lungkot ay napapalitan pa rin ng mga ngiti at tawa. Yan ang lahi ko. Nasasabayan ang agos ng buhay.

May ilang nga talagang mga bagay ng kung ating titignan ay hindi maganda sa imahe ng ating bansa at sa imahe natin bilang Pilipino. Pero kung ang mga iyan ay ating titignan sa ibang pananaw, makikita natin na dito lumalabas ang mga katangian ng ating mahal na lahi na pwedeng ipagmalaki.

Pinoy ako, ipagmamalaki ko ‘to.

ang post na nabasa nyo ay aking isunulat para sa yabang pinoy.com

http://www.yabangpinoy.com/akingpahayag.html

2 comments:

Anonymous said...

wow ang sipag mo mag blog kahit bata ka palang...sana gaya moko nung bata ako...ihihihi

Anonymous said...

hehehe. ang kyut. pang lathalain na.

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape