Sunday, June 22, 2008

ang konbersasyon

Ang mababasa nyo sa baba ay ang konbersasyon ni sar at ni sar(kausap nya ang sarili)


Isang araw..

Sar: (malalim na nag-iisp at nakatingin sa salamin)
Sar-salamin: (biglang nagsalita) what’s your problem?
Sar: (nagulat) eh??!!?
Kaylan pa ako natutong mag-english?
Sar-salamin: kanina lang. namemorize mo kasi yung sa commercial.
Sar: oh? Eh di kung ang sinabi pala sa commercial eh “what are you eating?” ganun yung sasabihin mo kahit wala akong kinakain?
Sar-salamin: parang ganun na nga.
Teka,parang ang lalim ng iniisip mo?
Sar: oo, iniisip ko kasi kung…
Sar-salamin: kung?
Sar: patapusin naman sana ako diba? Bigla ka nanaman kasi nagsalita
Sar-salamin: sorry naman. Sige na, magsalita ka na
Sar: ayun nga,iniisip ko kung paano ko maoovercome yung inferiority complex?
Sar-salamin: bakit, may ganun ka?
Sar: obvious ba?
Sar-salamin: eh ano problema mo dun?
Sar: kasi naman, feeling ko wala akong ibang kayang gawin.
Sar-salamin: marunong ka magdrawing.
Sar: oo nga, pero di kasing-galing ng iba.
Sar-salamin: eh, marunong ka din naman kumuha ng piktyurs…
Sar: pero di parin kasing –galing nila. Di man lang ako nag-eexcel sa kahit ano..
Sar-salamin: wag mo isipin yan, atleast marunong ka sa maraming bagay. Mas ok yun kaysa naman nag-eexcel ka nga, pero sa isa lang. diba? atsaka malay mo, meron ka pang undiscovered talents. At dun ka mag-excel. Magpractice ka lang para ma-enhance yung mga dati mo ng talents tapos sumubok ka rin ng mga bagong bagay. Malay mo may madiscover kang bago mong talents.
Sar: tenkyu sar!
Sar-salamin: you’re welcome sar…



at dyan natatapos ang konbersasyon ni sar at sar-salamin.
minsan lang magseryoso yan kaya pagbigyan nyo na..

2 comments:

rimewire said...

--

hakhak

harkitek pla ah, san u ng-aaral?

hakhak

meyror meyror on da wol hus da peyres op dem ol

hakhak

power elyens mistik pors

XXXxx

Chris A. said...

Halu...
Nakakatuwa, on ordinary days I tend to do the same hahaha ganito ba talaga ang mga taong mahihilig sa art? heheheh

Hope to befriend and link you sa blog ko at deviantart. Do comment back para mailink kita. Added you already sa D.A.

http://cmaquest.blogspot.com
http://cmaotaku.deviantart.com