Saturday, May 24, 2008

self pictorial- second time around..

natuwa kasi ako dun sa first attempt ko sa unang self-pictorial.. kaya eto, may kasunod na..
at may improvement.. may mga props na ako: green/yellow lollipop and my beloved doll..
eto yung mga pics..




CREDITS: mama for the white top with butterfly. "ukay-ukay" for the black skirt. divisoria sidewalk for the sneakers- as seen on "shoes as the canvass" (my april post).

Friday, May 23, 2008

tubig at apoy

wala lang naman 'tong post ko ngayon..
gusto ko lang ipakita ang nakunan kong litrato ng kalangitan.. namangha lang kasi ako.. nakakatuwa kasi yung kulay..pinaghalong bughaw at kahel na may dilaw.. eto po yung kinalabasan ng larawan..





medyo inayos ko lang yung mga shadow tsaka light nyan (akala mo marunong eh, no?) tapos maliban dun, wala na akong ibang in-edit..
ayun lang po..
wala lang akong mapost ngayon, kaya yan nalang muna..

Thursday, May 22, 2008

bakasyon

Labimpitong araw nalang, pasukan nanaman. Parang ang bilis pero ang tagal. Bakit? Mabilis dahil syempre para sa mga estudyante, gusto pa namin ng mahaba-habang bakasyon. Pero matagal dahil parang wala naman akong ginagawa. Matagal talaga ang oras ‘pag nakatengga ka lang sa bahay. Anu-ano nga ba yung mga ginawa ko ngayong bakasyon? Teka, pag-iisipan ko..
.
.
.
.
.
.
.
.
(after one hour)
Naalala ko na, iisa-isahin ko nga..

pumunta ako sa mga graduation: sa pinsan ko na pre-elem at sa batch ‘07-‘08 ng pinasukan kong highschool dati. Nagcelebrate ng birthday ko. Kinuha ang clearance sa school. Umattend ng EGR(Encounter with God retreat) for 2 days and 1 night. Nagbakasyon sa La Union for 2 days and 1 night din. Nagpunta sa mga bahay ng kaibigan at umuwi ng gabi (kaya napapagalitan eh). Pumunta sa surprise party para sa 18th birthday ng batchmate naming nung HS, na parang naging mini-reunion na rin. Nagswimming sa pool sa Calamba, Laguna. Umattend sa mga meeting ng org na hindi lalagpas sa 5 ang pumupunta. Gumawa ng blog. Tinapos ang ‘hanazakari no kimitachi he’ at inulit pa ng tatlong beses. Nag-edit ng pictures. Nagfriendster. Nagtext. Nagdownload. Nagcelebrate ng mothers day. Nagsimba. Kumain. Naligo. Natulog. Nanuod ng tv. Nagbasa ng “stainless longganisa” at “abnkkbsnplAKO” ni Bob Ong.

Maliban sa mga nabanggit, wala na akong maisip na makabuluhan na ginawa ko ngayong bakasyon. Yung iba dyan sa ginawa ko eh malayong-malayo sa mga inisip kong gawin bago magbakasyon. Sabi ko mag-aaral ako ng calculus, magbabasa ng literary pieces, babasahin ang building types at graphic standards, magprapraktis magdrawing ng kotse at tao. Asa naman kasi ako sa ‘kin kung magawa ko ‘yang mga yan. Sa tamad ‘kong ‘to!

Halos kalahati yata ng bakasyon ko eh ‘eto yung ginawa ko…


Oo, nakatunganga. Tinignan ang mga naghahabulang butiki sa kisame. Nakipagtitigan sa mga manika ko at umasa na mananalo sa “walang-kurapan game” namin. Tinitigan ang balot ng mga kinaing chichiria na akala mo ay binabasa at iniintindi ang nutritional facts sa likod pero ang totoo pala ay binibilang lang kung ilang letters yung nandoon. Tumulala sa isang bagay sa loob ng matagal na oras. Napakamakabuluhan nila no? (T_T).

Sana naman hindi na maging ganyan yung mangyari sa susunod na bakasyon ko. Ayoko na tumunganga lang sa bahay. Sana may kapaki-pakinabang naman ako na magawa bukod sa mga nabanggit ko nung una. Ayoko na talaga ng ganito lang. parang walang kwenta(wala talaga). Nakakaguilty! Sinayang ko lang yung time. Sisiguraduhin ko talaga next year, mas magiging productive ako sa bakasyon. Pramis yan! Pramis Sar! Pramis!(100times). Totoo yan.. ^.^

Wednesday, May 21, 2008

ang aking chayldhud..

Bokabyulari:

1. Hasler- expert sa larong tinutukoy
2. Ketket- saling pusa, panggulo
3. Tex- papel na hugis parihaba nanilalaro ng dalawa o higit pa. itinitira sa ere at ‘pag bumagsak na sa lupa, kung kaninong pamato ang naiiba, sa kanya mapupunta ang taya ng iba pang kasali. Ang dami taya ay depende sa napag-usapan ng mga kasali sa laro.
4. Mader- huling tumitira sa ten-twenty o sa iba pang laro gamit ang garter o minsan ay sa piko. Sya ang tagapagligtas kapag namatay(hindi nakatira ng maayos o hindi kaya ang sumunod na level) ang beybi at sister.

Bigla ko lang naisip. Parang ang sarap ulit maging bata. Malaya ka sa lahat ng gagawin mo. Kapag may ginawa kang kaweirduhan, eh hahayaan ka lang. ang kyut mo pa rin daw tignan. Tapos ang babaw lang ng kaligayahan. Pag umiyak ka, konting lobo at kendi lang, ayus na. wala ka masyadong pinoroblema. Wala masyadong gumugulo sa isip. Ang saya tuloy balikan ng mga ginawa ko noon. Gusto nyo ba malaman kung anu-ano yun? Ayaw nyo? Eh di ‘wag. Basta, isusulat ko pa rin. Bakit ba, page ko ‘to eh.

Maaga akong gigising para makipaglaro sa kapitbahay. 7am, nasa labas na ako nun. Partida, wala pang kain-kain yun hyper na agad ako pano pa kaya ‘pag nakakain na ako. Bukod sa di pa ako nakakain, di pa din ako naliligo (yak!). ayus lang, pare-pareho naman kaming mababaho eh. Ayun, umpisa na ng saya. Ilalabas ko na ang aking magic pamato. Maglalaro kasi kami piko. Hasler ako dun. Makakatulog muna yung mga kalaban ko bago sila makatira (yabang!). ‘pag sawa na kami sa piko, eh maglalaro naman kami ng patintero. At ‘pag sawa na ulit kami, eh maglalaro naman kami ng tex. May big at small version nito. ‘pag nag-away-away na kami dahil sinasabing nagkadayaan daw (parang eleksyon ah), ibang laro naman. Sinubukan din namin ang jolen (o sa mga sosyal ay tinatawag na marbles). Pag nabored na ulit kami dun eh maglalaro naman kami ng tumbang preso. Ako ata yung laging taya dun eh, ang lampa ko kasi. Ayan yung mga larong kalye na nilalaro namin araw-araw dati. 7am- 7pm yan. Ang break lang eh kapag kakain at tinatawag ng kalikasan. Ang tibay namin no? rain or shine pa yan.

Bukod sa mga larong kalye na nakakapawis at kadalasan ay panlalake, naglaro din naman ako ng mga pambabaeng laro. Andyan yung paper doll. Andami ko nyan dati, may sailormoon pa nga ako eh. Wala kayo nun. Naalala ko pa, yung isa kong kalaro eh binenta sa ‘kin yung ginawa nya na paper doll house na gawa sa box ng sigarilyo. 10 pesos daw. Ang mahal! . Hirap na hirap akong humingi ng pera kay mama. Di ko alam kung ano yung sasabihin kong dahilan para lang bigyan ako ng sampung piso. Buti nalang nakahingi pa rin ako. Gustong-gusto ko kasi talaga mabili yun. Bilib na bilib pa ako sa pagkakagawa nya nun. Eh shemay! Ang dali lang pala gumawa nun. Naloko ako dun ah. Bukod sa paper dolls, naglaro din ako ng mga Barbie doll( nung babae pa ako). Ang swerte ko kasi binibigyan ako dati nun. Pero malas ng mga magagandang Barbie dolls na yun dahil napunta sila sa maling kamay. Ang dating magaganda at mahahabang buhok nila, ay umiksi at kung minalas pa eh nagiging kalbo na. parang minurder lang eh. Naglaro ng tindahan at lutulutuan. Kung anu-ano ang mga initinda ko, shampoo, sabon, de-lata at chichirya. Lahat gawa sa papel. Anlupet! Pati yung pera gawa din sa papel na pang grade-one. Sino ang cashier? Ako! Sino ang customer? Ako pa din. Dati palang eh madalas na ako maglaro mag-isa. Buti sana kung sa loob ng bahay, ang malala dun sa harap pa ng bahay namin. Siguro iniisip ng mga dumadaan na tao noon, austistic ako.

Nahilig din ako sa mga stationery dati. Mga makukulay na papel na may design at may partner na envelope at kung minsan ay may memo pad pa. with matching stickers. Umabot sa pa isang malaking box yung collection ko nun. Nung nagsawa na ako dun, binenta ko nalang (oh ha, kumikitang kabuhayan).

Naglaro din ako ng ten-twenty, king-kong-king, wan by wan at kung anu-ano pang laro na ginagamitan ng garter. Magaling din ako dun (nagyayabang nanaman!) minsan ako yung mader minsan ako naman ay ketket lang.



Yan yung mga nakahiligan kong laruin noong bata ako. Sa mga larong yan, iba’t-ibang kalaro din yung mga nakalaro ko. (tongue twister?). Palipat-lipat kasi kami ng bahay nun. Kaya lahat ng nakikilala ko eh temporary lang. Isa sa pinakamemorable na nagyari nung lumipat kami eh nung nag handa ng despedida party yung mga kalaro ko para sa’kin. *Nakakatouch naman*. Grade 3 ako nun. Yun yung araw na lilipat kami. Hapon yun. Di muna ako sumabay sa first batch ng paglipat. Sabi kasi ng mga kalaro ko, magpaiwan daw muna ako. Pinagbigyan ko naman sila dahil last day na rin naming na magkakasama nun. Di ko alam naghanda pala sila ng party para sa akin. Ang handa, mga masusustansyang chichirya at kendi. Pero kahit ganun, Masaya pa rin. Naging sobrang special yun, at di ko makakalimutan.

Isa pa sa pinakaunforgettable na ginawa ko eh nung nagsabit ako ng Christmas sock sa pintuan ng bahay naming. At ang lahat ng pumasok sa pinto ay REQUIRED na maghulog ng minimum ng limang piso sa medyas. Oo, minimum ng limang piso. Nabantay na ako dun sa may pinto para tignan kung tama yung ilalagay nila dun. Naninigurado lang ako. Marami-rami din akong nauto noon. Lagpas sa 500 yung naipon ko na pinambili ko lang naman ng mga kapaki-pakinabang na mga panali ng buhok, clip at kung anu-ano pang kikay na gamit (nung babae pa ako). Kung pwede ko lang gawin ulit yun eh. Mas malaki na kasi ang pangangailangan ko sa pera ngayon. Kaya lang hindi na pwede. Sino ba naman ang magpapauto pa sa akin? Kahit ako di ako magpapauto sa sarili ko eh. Anu ako, hilo? Sinong niloko ko..

Ang mga kinuwento ko ay ilan lamang sa karanasan ko sa aking chayldhud. Kahit simple lang ang ilan dyan ay espesyal pa rin yan sa ‘kin. Kahit hindi ganun karangya ang naging chayldhud ko tulad ng ibang bata, maswerte pa rin ako dahil naranasan ko paring maglaro at makisalamuha sa iba. Kahit wala akong playstation dati, meron naman akong dalawang dangkal na tex. Kahit hindi gaanong maganda ang mga Barbie doll ko, meron naman akong paper doll with matching paper doll house na gawa sa box ng sigarilyo. Kahit wala akong de-remote control na laruan, meron naman akong magic pamato na laging panalo sa piko. Ano, laban kayo dyan?

Ang mahalaga, naranasan natin maging bata kahit sa paanong paraan, marangya man o hindi. Magpasalamat nalang tayo dahil hindi tayo natulad sa ibang mga bata na ipinagpalit ang kanilang childhood para makapagtrabaho para sa pamilya. Maswerte tayo dahil meron tayong masayang “childhood memories” na pwede nating alalahanin katulad ng ginagawa ko ngayon. Namimiss ko na nga yung mga yun eh. Kung pwede lang talaga maging bata ulit.

Tuesday, May 20, 2008

wag kayo mandamay..


Nakasakay kami nun sa jeep. Ang init. Sobra. Tapos para pa kaming mga sardinas na nagsisiksikan dun. Kulob yung sasakyan, nakasara yung bintana kasi umuulan. Tapos biglang nagsindi yung drayber ng sigarilyo. Wow! Ang galling ah. Parang wala sya sa public place. At take note: kulob yung sasakyan. Nag-iisip ba sya? Nakakabadtrip talaga! *galit*.

Ganyan din yung nararanasan namin ‘pag pumapasok sa school. Bago ka makarating sa gate eh kaylangan mo muna magsakripisyo. Kaylangan mo munang ‘wag huminga nga mga 10 seconds o kung mabagal ka maglakad eh mga 15-20 seconds. Bukod kasi sa mga tambutso ng mga sasakyan na dumadaan eh nandun din yung mga estudyanteng na naninigarilyo sa may waiting shed. Siguro kung may presentation, eh pwede na silang gamitin na smoke machine as alternative. Haay.

Bawal nga naman sa loob ng campus, kaya dun sila. talagang lahat gagawin para lang makapag-yosi.

Ano ba magandang nadudulot nyan sa kanila? Bukod sa pampatanggal daw ng stress sabi nila, eh wala na akong ibang maisip na dahilan. Kung pampatanggal lang naman ng stress, madami dyan na ibang alternative. Manood kayo ng Dora the Explorer, tanggal stress nyo nun.

Sa kabilang banda, yung mga side effects ng yosi ay di mabilang-bilang. Nangunguna dyan si Lung cancer, na sinamahan pa ni Heart Disease. Bukod dun, pwede ring dumalaw sayo sa Osteoporosis. Bakit? Kasi ang patuloy na paninigarilyo ay nagpapababa ng bone mass na nagdudulot ng Osteoporosis.

Bukod sa mga sakit-sakit na yan,eh pwede ka rin magkaron ng bad breath. Yan lang naman ang ILAN sa mga epekto ng yosi.

Sa mga di pa rin mapigilan ang mapigilan ang pagyoyosi, PLEASE LANG. ‘wag sa public place. Mas matindi pa yung epekto sa second hand smokers kaysa sa mismong taong gumagamit nun. PLEASE LANG ULIT, KUNG GUSTO NYO NA MAGPAKAMATAY WAG KAYO MANDAMAY. Magyosi kayo hangga’t gusto nyo sa cr o kahit saang saradong lugar para kayo lang yung nakakaamoy ng usok na kinaaadikan nyo.

Yun lang naman ang gusto ko sabihin.

CREDITS: (for picture) http://www.advocatehealth.com/asthma/triggersprint2.html

Monday, May 19, 2008

Pagmamahal

Lahat ay nagmamahalan.

Mabuti ba ito o masama?

Kung yung isang depinisyon ang titignan(love), oo maganda ang ibig sabihin nyan. PERO kung yung isa(PRICE HIKE), ay nako! Kahit saan mo tignan eh hindi maganda yan.

Mga gulay, mantika, harina, bigas, gasolina at ngayon pati kuryente. Lahat sila, nagmamahalan. Wala ng mura sa panahon ngayon. Ganun na nga kahirap ang buhay tapos sasabayan pa ng pagtaas ng presyo. Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ng mamamayang Pilipino? Kami na nga lang na nasa middle class eh nahihirapan na, pano pa kaya ang mga pamilyang nasa below poverty line.

Sabi nila, tataasan na daw ang minimum wage. Dadagdagan ng bente pesos ang sahod ng mga manggagawa. kaya daw ganun lang ang itataas sa sahod dahil baka hindi kayanin ng ibang maliit na kompanya at baka mapilitang magsara. Mas mahirap daw yun dahil mas mawawalan ng trabaho ang maraming manggagawa. kaya kahit ganoon lang kaliit ang itataas sa sahod eh tatanggapin nalang din ng mga grupo ng mga manggagawa ito. Kahit magkilos-protesta nanaman sila, hindi naman sila pinapakinggan ng mga GAHAMAN na politiko na patuloy na mabubuhay ng marangya dahil sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Habang ang iba ay swerte nalang kung makakain pa ng tatlong beses sa isang araw.

Balikan natin ang bente pesos na itataas sa sahod. Sa panahon ngayon, ano nga ba ang mabibili sa bente pesos? Isang kilong NFA rice o kaya naman, dalawang lata ng sardinas, o tatlong balot ng instant noodles. Kasya ba yan para sa isang pamilyang may limang anak at tatlo ’don ay nag-aaral. Pamasahe palang papunta sa eskwelahan ay kulang na kulang na.

Pamasahe. Mula sa dating P120.00, P140.00 na ang nagagastos to sa pamasahe kapag nagpupunta ako sa eskwelahan at pabalik sa bahay. Nadagdagan ng bente pesos ang pamasahe ako mula ng ipagbawal ang provincial buses sa Maynila galing sa south. Ang P20.00 na diperensyang yun ay mapambibili ko na ng isang kilong NFA rice, may sukli pa. Ang dating 11.50 na pamasahe ko sa jeep ay magiging 12.00 na sa miyerkules.

Bakit nagtataas ng pamasahe? Dahil nagtaas din ng krudo. Sa aking pagmamasid sa mga gasoline stations, ang diesel ay nagkakahalaga na ng P43.00 at ang premium at unleaded ay P51.00 kada litro. Sabi nila, nagtaas daw ng presyo sa world market kaya di maiwasang magtaas din ng presyo ang naglalakihang kompanya ng langis. Wala ba talagang MAGAGAWA ang gobyerno natin para mapababa ang presyo ng langis? O wala lang talaga silang GINAWA?

Sana naman maging aware na sila sa kahirapan ng bansa. Alam ko, may ibang tao na hindi ganun ka-aware sa mga kahirapang nangyayari sa iba nating kababayan. Di ko sila masisisi dahil nabuhay sila ng marangya. Pero may iba naman na nagbubulag-bulagan lang sa mga nagyayari. Kunyari hindi alam pero ang totoo, alam na alam nila ang mga nangyayari dahil sila ang may gawa nito. Ayoko nang maninisi, dahil kung magsisisihan lang tayo eh wala nanamang mangyayari at magpapaikot-ikot nanaman ang mga isyung yan. Lahat tayo dapat gumalaw, lahat tayo dapat gumawa ng paraan, dahil kung magtuturuan lang tayo ng magtuturuan eh wala nanaman ‘yang mapupuntahan. Kung paano yun gagawin, hindi ko pa alam, ang alam ko lang dapat may manguna sa ‘tin na MATINONG pinuno. At tayo naman ay dapat wag maging REKLAMADOR. Magtulungan tayo, magkaisa. Malaki ang magagawa nun sa bansa kapag lahat tayo ay kumikilos para sa pag-unlad ng bansa. Na alam kong pangarap ng bawat mamamayan dito sa Pilipinas.
*ang lahat ng nabasa nyo ang pawang opinyon ko lamang kung may mga komento kayo sa aking mga sinulat, ‘wag kayong magdalawang isip na sabihin sa ‘kin para alam ko din yung mga saloobin nyo .”

Monday, May 12, 2008

Out of Boredom- Part II

Eto nanaman po ako at nagbabalik para magbigay advice sa mga walang magawa..(kung advice ngang matuturing ‘to). kung nung una, picture-picture lang ng kung anu-ano, ngayon magpicture naman ng sarili ang trip ko. Pero hindi ‘to yung usual na pag pipicture ng mukha lang ang nakikita at sobrang close up. Parang pictorial ‘tong ginawa ko na ako yung model at ako din yung photographer. Pano ko ginawa yun, ganito oh..

Paghahanda ng photographer: (ako yun! *taas ng kamay*) Dahil yung cellphone nga lang yung ginamit ko (wala kasi akong pambili ng digicam eh.. sorry naman..), inisip ko kung san ko ilalagay yun ngayon para full body shot. Ayun, kinuha ko yung lagayan ng cotton buds, hindi yung box ah, yung transparent na cylindrical na lalagyan. Nakita nyo na yun, di nyo lang siguro matandaan. Tapos, nilagay ko sa taas ng orocan na cabinet yung green (parang nageendorse ah, may brand name pa.) eh kaya lang, parang mababa parin, naghanap nanaman ako ng pwedeng idagdag para tumaas yung lalagyan ng aking cellphone. Akyat-baba ako sa bahay. Tingin dito, tingin ‘don. Sa aking matagal na paghahanap, nakita ko ang DAMBUHALANG DICTIONARY na nagaantay lang dun sa sulok. Kinuha tapos tinignan ko kung pwede nang maging patungan at ayun, perfect! Yan lang pala ang kulang para makumpleto ang set up para sa self-pictorial(may ganun ba?).

Paghahanda ng model: (ako nanaman! *taas ulit ng kamay*) naghalungkat lang naman ako ng mga damit sa cabinet na pwede pang isuot. Salamat at nakahanap ng kahit papaano’y matinong kasuotan. At ayan. Perfect ulit! Handa na ang lahat.

Medyo matagal din ang naganap na pictorial. Nagsimula ako ng 4:26pm, natapos ng 4:51pm (gawa-gawa ko lang ‘yang oras, wala namang battery yung mga orasan sa bahay eh). Pagkatapos, konting edit sa computer(kunyari marunong ako) at ayan.. tentenenen.. isang napakagandang… basura. Tenkyu! Tenkyu! Tenkyu! (oh, tama na..)

Eto ang mga pinaghirapan ko… pinaghirapan ko yan! Ang hirap kaya maghila ng orocan.. ano, angal pa? *wala akong pakialam kung magustuhan nyo man o hindi kasi kahit ako di ko rin gusto yan*.

CREDITS: Tita Joan for the jacket, stripes top and black boots. 168 mall-divisoria (sosyal!) for the stripes socks *tinawaran ko pa yan ah..* and my cabinet for the beaded top and skirt.

ayan po ang kinalabasan ng aking self-pictorial.


May panibago nanaman kayong hindi kapaki-pakinabang na bagay na natutunan. Hanggang sa susunod na pagkikita. Paalam! *kaway*


Friday, May 9, 2008

paglaki ko, gusto ko maging...

nagkwekwentuhan kami habang inaantay maluto ang pansit canton.

Tinanong ng isa naming kasama, “ano yung interest nyo nung bata kayo?” bigla ako napaisip, “oo nga no? ano nga ba mga kinahiligan ko dati. Wala akong matandaan. Ang naiisip ko nalang ay yung mga kinahihiligan ko ngayon, yung dati, parang nawala nalang parang bula. Hanggang pag-uwi ko, iinisip ko parin. At ayun, naalala ko na, biglang pumasok sa isip ko *ting*. Ang interest ko nung bata ako pati narin yung gusto ko maging. Ano ‘yon? Eto..


Nung bata ako, nakahiligan ko ang science. Oo science, pero nasaang field ako ngayon? Sa arts. Ang galling no.. ayun nga, science yung pinakagusto kong sabjek. Bakit? Kasi naman, ganito palang ata ako kaliit, ganito oh, nakita nyo? Oo, ganyan palang eh tinuturan na ako ng tita ko ng solar system. Pinakabisado nya yung nayn planets: mercury.venus.earth.mars.jupiter.saturn..uranus.neptune.pluto(oh ha, memorize ko pa). bakit solar system?.. kasi science yung tinuturo nyang sabjek. Opo, isa syang titser. Ayun nga dahil kinamulatan ko na ang science kaya tumatak na sa aking isipan sa science ang gusto ko.science ang peyborit kong sabjek.adik ako sa science.hanggang sa maisip ko na paglaki ko, gusto ko maging… *drum roll* tentenenen.. SCIENTIST.. nagulat kayo ‘no? haay..

'Yang pangarap kong maging scientist eh tumagal hanggang grumadweyt ako ng elementary. Naalala ko p
a nun, naghahalo kunyari ako ng cologne, na may powder, na may alcohol at lotion at kung anu-ano pang makikita sa cabinet ni mama. Tapos pag napaghalu-halo ko na ‘yon, tatakbo ako sa sa lahat, ipagmamalaki ang hawak kong bote, sasabihin ko pa, eto ang aking invention… anu pa nga ba, eh di pabango. Haay, ang kaweirduhan ng batang si sar. Twang-tuwa pa ako nun. Tapos syempre dahil bata pa ko nun, sasabihin ng mga matatanda.. wow! Ang galling mo naman, scientist ka talaga. Eto naming walang kamuwang-muwang na bata ay sasabihin na.. talaga? Sabi ko na nga ba eh..* at nagyabang pa! *wala syang malay na niloloko lang pala sya ng mga ‘yon.

Pero, pagdating ko nung hayskul, unti-unting nawala ang pagkahilig ko sa science. Nagulat ako, bakit ganun? Chemistry.chemistry.chemistry. hala! Mga symbols, balancing, predicting the product. Anu daw? *nosebleed ako dun ah* Hindi nalng pala yun simpleng paghahalu-halo ng mga cologne sa cabinet ni mama. Ayun, dahil sa chemistry, nawala ang interest ko sa scienc
e. Ayoko na! iba nalang..

Kahit papaano, marunong din naman ako magdrowing kaya ayun, mas binigyang pansin ko yung talent ko sa pagdrodrowing.*talent daw oh* pagbigyan nyo na ko, wala na nga ako sa science eh. Kinakarir ko yung mga prajek namin sa T.H.E. yung mga drawing, skrapbuk at kung anu-anu pang handikrafts . at kung minsan pa, kahit yung mga notebook ko lang or album sa bahay, nilalagyan ko ng art.
Mga kaARTehan kumbaga. Pero atleast, mas gumanda ah.. sobrang nahilig na talaga ako sa art nung hayskul, kaya naman nung pipili na ng course, syempre, art-related ang aking pinili. Ang ARKITEKTURA. Pero parang bigla ko ring naisip na gusto kong maging doktor. Sumisingit pa din sa isip ko yung interest ko nung bata ako. Pero mas pinili ko ang arkitektura kasi ayun yung present kong kinahihiligan. Pero di ibig sabihin nun na pag nawala nanaman yung interest ko dito eh magpapalit ako ng course. Kasi ang tingin ko, eto talaga yung interest ko eh.. di na yun mawawala.. pramis! Tingin ko para dito talaga ako eh. Dito ako tinadhana ni God. Oo, talaga. Mararamdaman ko yun. Kaya naman kakayanin ko ‘to. Tatapusin ko talaga ang arki. Go! Go! Hindi ko man natupad yung gusto ko nung bata ako, at least masaya ako sa pinili ko. oh, db?


At dyan po nagtatapos ang aking kwento. Kung paano na punta sa magiging ARKITEKTO ang pangarap ko noong maging SCIENTIST.

*bow*

CREDITS: (for the pictures) http://naza.gov
http://pro.corbis.com

bayad po

May 9. Biyernes.

Bumaba ako sa bus. Naglakad sa bangketa ng gil puyat ave. sa buendia. Pagdating ko sa terminal, sumakay ako ng fx. tinahak namin ang kahabaan ng taft ave. nagbayad na ang mga pasahero at sumunod na rin ako. Iniabot ko ang ang limampung piso mula sa aking lumang coin purse na green. Tinanong ni manong drayber kung saan ako bababa. Sabi ko “morayta po”. Tapos matagal din ako bago suklian. Inisip ko nalang na baka walang baryang panukli. Pagkatapos ay may nagbayad muli, at nauna pa silang suklian kays sa akin. Syempre, nagtaka ako. Pero di na ako nagsalita. Tinanong uli ni manong drayber, saan bababa yung nagbigay ng singkwenta? Sagot naman ako, “morayta po”. Parang di ata ako narinig. third taym arawnd, saan nga uli bababa yung nagbigay ng singkwenta? “morayta po” sagot ko nanaman.. inisip ko tuloy, ganun ba talaga kahina yung boses ko para di marinig ni manong drayber? Ang sagot… hindi. Sadya lang palang mahina na ang pandinig ni manong drayber at may pagkamakakalimutin . Dahil narin siguro sa katandaan. *pero astig ni manong ah.. kahit ganun na sya katanda, nakuha parin nya magtrabaho. Ang galing. I’m proud of you manong drayber.*


Siguro tinatanong nyo kung bakit ko kinuwento ‘to no? para sa susunod naman na makaenkawter kayo ng matanda, wag sana tayo magalit kung di man tayo nila masyado naririnig o naiintindihan. Kung makaklimutin na sila. Pagpasensyahan nalang natin dahil dala yun ng pagtanda. Eto tandaan natin, lahat tayo tatanda, magiging bingi, magiging ulyanin. Kung magiging masama ang pagtrato nattin sa kanila, baka sa pagtanda natin ganun din ang maging pagtrato ng mga mas bata sa ‘tin. Remember the golden rule: do not do unto others what you do not want to do unto you.

CREDITS: (for picture) http://
photography.cmnworks.net

Thursday, May 8, 2008

eytin


isa sa daw sa pinaka special na number sa mga babae. Syempre, kapag umabot ka na sa taon na yan. Dun palang masasabi na ganap ka na na babae. Sinsabi nila, wow! Dalaga ka na. nasa legal age ka na. importante talaga daw ‘to sa min. kaya naman sobrang pinaghahandaan ng iba yung araw kung kaylan nila icecelebrate ang kanilang 18th birthday. Anu-ano nga ba yung mga madalas nating Makita sa okasyong ito? Andyan ang eytin roses kung saan isasayaw ang debutante. Meron ding eytin candles at eytin treasures kung saan sinasabi ng mga bisita ang kanilang wishes sa celebrant. Di rin mawawala ang cotillion. At ang napakagarang gown na suot ng debutante. Na kung minsan ay halos matapakan na sa sobrang haba. Yan ang madalas maisip natin kapag sinabing “debut”. Pero yan ang kung tawagin ay “traditional” debut. Pero noon yan, iba na ngayon. Nandyan na ang iba’t-ibang klase ng pagcecelebrate ng debut. Nandyan ang house party, beach party, at kung anu-ano pang party. Di na daw kasi uso ang traditional debut. Oo nga,
at Sino ba namang gusto na magsuot ng napakainit na gown? o baka ako lang yung may ayaw nun.


kahit sa totoo lang ayaw ko talaga magparty sa aking debut. (sa susunod na taon na! April yun, batiin nyo ako ah..) *di naman ako excited* eniwey, katulad nga nung sinabi ko, di ko talaga gusto mag celebrate pero kung papapiliin ako gusto ko sana CHILDRENS PARTY.Oo, childrens party. With matching party hats, balloons, games, clowns, lollipop. Bakit? Kasi, nakakhiya man aminin, di ko naranasan magkaroon ng party nung bata pa ako. *background music* senti ba ‘to? Teka, ibang episode pa yon. Back to the topic (wow! English), ayun nga, gusto ko talaga children’s party, kasi makulay tapos yung atmosphere parang sobrang saya. Ayoko kasi nung mga party ng mga teenager eh(nagsalita ang hindi teenager). Yung puro sayawan, party ‘til you drop tapos sobrang ingay na halos mabasag na yung eardrums mo. Yung mga “typical” party ng teens of today, di ko gusto yun. Yan lang naman kung papapiliin ako kung anung party yung gusto ko. Kumbaga no choice na, kailangan talaga magparty. Ayun. Pero katulad nga ng sinabi ko nung una na uulitin ko nanaman ngayon, ayoko magcelebrate ng debut. Tama na yung katulad ng normal na ginagawa naming pag birthday ko. Natutulog. Dinadaan nalang namin sa tulog ang lahat.(at nagdradrama nanaman po sya). Hindi no, syempre, may konting kainan naman kahit papaano. Ayun lang yung gusto ko. Ayun lang ba talaga? Umamin ka na, may gusto ka pa eh. Oo, meron pa. syempre, gusto ko din naman ng gift. Anong gift? Secret! di ko sasabihin. Akala nyo ah.

*CREDITS: (for the picture) http://www.google.com/*

Tuesday, May 6, 2008

two-day vacation

It feels so good to unwind after a stressful week.

So my mother and her officemates decided to have an outing in Bacnotan, La Union (which is my relatives’ hometown). They brought their family with them.


Well, here’s my experience during that two day trip. I also added some photos in there.

After 7 long hours of travel, we finally reach our destination, La Union. Saturday, 5am in the morning, we were already at my grandfather’s house. After we have eaten our breakfast, I and the other kids went to the sea shore. The sea is only few steps away from the house. Then we reached the shore. The sea was so calm during that time. It was a nice view for taking pictures. So I didn’t lose that chance. I get my phone and took pictures.


Then, we went back to the house. We have prepared our things because we were going to the shore again. It’s swimming time. It’s fun because we are the only people there. It looks like we were in a remote island.

Because we were in a “remote island”, we have to go back to basic. They built a tent where we can stay. And they also built a portable cr where we can change our clothes after we swim.

After eating our lunch by the shore, we went back to the house and take a bath. After that, I took a rest and I didn’t notice that I fell asleep in the rocking chair.

It was 4pm in the afternoon when I woke up. I saw my younger brother and the other kids playing badminton so I decided to join them. It was tiring so I took a rest again. Then we went to the house beside the place we were staying. That house is a place where sugar cane vinegars were made. These clay jars are used as vinegar containers.

Then after we visited our relatives’ house, we decided to go back to the shore. We have stayed there for about an hour and a half. We were supposed to stay there until night but there was a bad weather coming during that time so we decided to go back home. The good thing is we weren’t caught by the rain.

Unfortunately, the pictures of the sunset that I have taken were not as good as what I expected it to be. The sunset was not clearly seen because f the dark clouds that were hiding it. But it’s ok because at least I still took pictures before we went home.
When we were already at the house, I took a bath, ate my dinner and sleep. I think it’s only 8pm but I felt so tired so I decided to go to sleep. Then I woke up very early. Its still 5am. If I were in our house, I am still sleeping during that time. The normal time I wake up is 9am.
Well anyway, just after I woke up, I took a bath then ate my breakfast. Then I prepared my things because we are about to leave in two hours. When all are ready, we packed are things and put it in the coaster. But before we leave, we took group pictures. After the picture taking, we say goodbye to our relatives and then we left.
Before we left La Union, we visited the beach in Paraoir.


The beach is so nice. Too bad we don’t have enough time to stay there for a bit longer. It was a very nice experience. Although it’s only two days, at least we have such an experience to be close to nature again. I was very happy to see those beautiful God’s creation.







Good thing I always have my phone with me that I can capture those sceneries.


By the way, I forgot to say that I also brought my doll, ansherina with me.


Isn’t she cute? =’)

Well that was a very good experience for us. I hope we could come back there some other time.

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape