Tinanong ng isa naming kasama, “ano yung interest nyo nung bata kayo?” bigla ako napaisip, “oo nga no? ano nga ba mga kinahiligan ko dati. Wala akong matandaan. Ang naiisip ko nalang ay yung mga kinahihiligan ko ngayon, yung dati, parang nawala nalang parang bula. Hanggang pag-uwi ko, iinisip ko parin. At ayun, naalala ko na, biglang pumasok sa isip ko *ting*. Ang interest ko nung bata ako pati narin yung gusto ko maging. Ano ‘yon? Eto..

Nung bata ako, nakahiligan ko ang science. Oo science, pero nasaang field ako ngayon? Sa arts. Ang galling no.. ayun nga, science yung pinakagusto kong sabjek. Bakit? Kasi naman, ganito palang ata ako kaliit, ganito oh, nakita nyo? Oo, ganyan palang eh tinuturan na ako ng tita ko ng solar system. Pinakabisado nya yung nayn planets: mercury.venus.earth.mars.jupiter.saturn..uranus.neptune.pluto(oh ha, memorize ko pa). bakit solar system?.. kasi science yung tinuturo nyang sabjek. Opo, isa syang titser. Ayun nga dahil kinamulatan ko na ang science kaya tumatak na sa aking isipan sa science ang gusto ko.science ang peyborit kong sabjek.adik ako sa science.hanggang sa maisip ko na paglaki ko, gusto ko maging… *drum roll* tentenenen.. SCIENTIST.. nagulat kayo ‘no? haay..
'Yang pangarap kong maging scientist eh tumagal hanggang grumadweyt ako ng elementary. Naalala ko pa nun, naghahalo kunyari ako ng cologne, na may powder, na may alcohol at lotion at kung anu-ano pang makikita sa cabinet ni mama. Tapos pag napaghalu-halo ko na ‘yon, tatakbo ako sa sa lahat, ipagmamalaki ang hawak kong bote, sasabihin ko pa, eto ang aking invention… anu pa nga ba, eh di pabango. Haay, ang kaweirduhan ng batang si sar. Twang-tuwa pa ako nun. Tapos syempre dahil bata pa ko nun, sasabihin ng mga matatanda.. wow! Ang galling mo naman, scientist ka talaga. Eto naming walang kamuwang-muwang na bata ay sasabihin na.. talaga? Sabi ko na nga ba eh..* at nagyabang pa! *wala syang malay na niloloko lang pala sya ng mga ‘yon.
Pero, pagdating ko nung hayskul, unti-unting nawala ang pagkahilig ko sa science. Nagulat ako, bakit ganun? Chemistry.chemistry.chemistry. hala! Mga symbols, balancing, predicting the product. Anu daw? *nosebleed ako dun ah* Hindi nalng pala yun simpleng paghahalu-halo ng mga cologne sa cabinet ni mama. Ayun, dahil sa chemistry, nawala ang interest ko sa science. Ayoko na! iba nalang..
Kahit papaano, marunong din naman ako magdrowing kaya ayun, mas binigyang pansin ko yung talent ko sa pagdrodrowing.*talent daw oh* pagbigyan nyo na ko, wala na nga ako sa science eh. Kinakarir ko yung mga prajek namin sa T.H.E. yung mga drawing, skrapbuk at kung anu-anu pang handikrafts . at kung minsan pa, kahit yung mga notebook ko lang or album sa bahay, nilalagyan ko ng art.

At dyan po nagtatapos ang aking kwento. Kung paano na punta sa magiging ARKITEKTO ang pangarap ko noong maging SCIENTIST.
*bow*
CREDITS: (for the pictures) http://naza.gov
http://pro.corbis.com
No comments:
Post a Comment