Tuesday, May 20, 2008

wag kayo mandamay..


Nakasakay kami nun sa jeep. Ang init. Sobra. Tapos para pa kaming mga sardinas na nagsisiksikan dun. Kulob yung sasakyan, nakasara yung bintana kasi umuulan. Tapos biglang nagsindi yung drayber ng sigarilyo. Wow! Ang galling ah. Parang wala sya sa public place. At take note: kulob yung sasakyan. Nag-iisip ba sya? Nakakabadtrip talaga! *galit*.

Ganyan din yung nararanasan namin ‘pag pumapasok sa school. Bago ka makarating sa gate eh kaylangan mo muna magsakripisyo. Kaylangan mo munang ‘wag huminga nga mga 10 seconds o kung mabagal ka maglakad eh mga 15-20 seconds. Bukod kasi sa mga tambutso ng mga sasakyan na dumadaan eh nandun din yung mga estudyanteng na naninigarilyo sa may waiting shed. Siguro kung may presentation, eh pwede na silang gamitin na smoke machine as alternative. Haay.

Bawal nga naman sa loob ng campus, kaya dun sila. talagang lahat gagawin para lang makapag-yosi.

Ano ba magandang nadudulot nyan sa kanila? Bukod sa pampatanggal daw ng stress sabi nila, eh wala na akong ibang maisip na dahilan. Kung pampatanggal lang naman ng stress, madami dyan na ibang alternative. Manood kayo ng Dora the Explorer, tanggal stress nyo nun.

Sa kabilang banda, yung mga side effects ng yosi ay di mabilang-bilang. Nangunguna dyan si Lung cancer, na sinamahan pa ni Heart Disease. Bukod dun, pwede ring dumalaw sayo sa Osteoporosis. Bakit? Kasi ang patuloy na paninigarilyo ay nagpapababa ng bone mass na nagdudulot ng Osteoporosis.

Bukod sa mga sakit-sakit na yan,eh pwede ka rin magkaron ng bad breath. Yan lang naman ang ILAN sa mga epekto ng yosi.

Sa mga di pa rin mapigilan ang mapigilan ang pagyoyosi, PLEASE LANG. ‘wag sa public place. Mas matindi pa yung epekto sa second hand smokers kaysa sa mismong taong gumagamit nun. PLEASE LANG ULIT, KUNG GUSTO NYO NA MAGPAKAMATAY WAG KAYO MANDAMAY. Magyosi kayo hangga’t gusto nyo sa cr o kahit saang saradong lugar para kayo lang yung nakakaamoy ng usok na kinaaadikan nyo.

Yun lang naman ang gusto ko sabihin.

CREDITS: (for picture) http://www.advocatehealth.com/asthma/triggersprint2.html

3 comments:

Anonymous said...

yea i can relate. i mean i'm a smoker pero nakakainis nga un pag nasa kulob ka na lugar tapos sisikan pa. nakaka suffocate talaga un. pero dba nasa news naman pag nahuli sila nag ssmoke while driving may penalty na hehehe. nice blog sis!

kristine said...

haha! i love this. to the highest level akong agree dito. minsan nga, feeling ko hindi na ako makakarating sa pupuntahan ko eh... baka napadpad ako sa ospital. haha :))

nasa jepara said...

terima kasih

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape