May 9. Biyernes.
Bumaba ako sa bus. Naglakad sa bangketa ng gil puyat ave. sa buendia. Pagdating ko sa terminal, sumakay ako ng fx. tinahak namin ang kahabaan ng taft ave. nagbayad na ang mga pasahero at sumunod na rin ako. Iniabot ko ang ang limampung piso mula sa ak
ing lumang coin purse na green. Tinanong ni manong drayber kung saan ako bababa. Sabi ko “
morayta po”. Tapos matagal din ako bago suklian. Inisip ko nalang na baka walang baryang panukli. Pagkatapos ay may nagbayad muli, at nauna pa silang suklian kays sa akin. Syempre, nagtaka ako. Pero di na ako nagsalita. Tinanong uli ni manong drayber,
saan bababa yung nagbigay ng singkwenta? Sagot naman ako, “
morayta po”. Parang di ata ako narinig. third taym arawnd,
saan nga uli bababa yung nagbigay ng singkwenta? “
morayta po” sagot ko nanaman.. inisip ko tuloy, ganun ba talaga kahina yung boses ko para di marinig ni manong drayber? Ang sagot… hindi. Sadya lang palang mahina na ang pandinig ni manong drayber at may pagkamakakalimutin . Dahil narin siguro sa katandaan. *
pero astig ni manong ah.. kahit ganun na sya katanda, nakuha parin nya magtrabaho. Ang galing. I’m proud of you manong drayber.*
Siguro tinatanong nyo kung bakit ko kinuwento ‘to no? para sa susunod naman na makaenkawter kayo ng matanda, wag sana tayo magalit kung di man tayo nila masyado naririnig o naiintindihan. Kung makaklimutin na sila. Pagpasensyahan nalang natin dahil dala yun ng pagtanda.
Eto tandaan natin, lahat tayo tatanda, magiging bingi, magiging ulyanin. Kung magiging masama ang pagtrato nattin sa kanila, baka sa pagtanda natin ganun din ang maging pagtrato ng mga mas bata sa ‘tin. Remember the golden rule:
do not do unto others what you do not want to do unto you.
CREDITS: (for picture) http://photography.cmnworks.net
No comments:
Post a Comment