Paghahanda ng photographer: (ako yun! *taas ng kamay*) Dahil yung cellphone nga lang yung ginamit ko (wala kasi akong pambili ng digicam eh.. sorry naman..), inisip ko kung san ko ilalagay yun ngayon para full body shot. Ayun, kinuha ko yung lagayan ng cotton buds, hindi yung box ah, yung transparent na cylindrical na lalagyan. Nakita nyo na yun, di nyo lang siguro matandaan. Tapos, nilagay ko sa taas ng orocan na cabinet yung green (parang nageendorse ah, may brand name pa.) eh kaya lang, parang mababa parin, naghanap nanaman ako ng pwedeng idagdag para tumaas yung lalagyan ng aking cellphone. Akyat-baba ako sa bahay. Tingin dito, tingin ‘don. Sa aking matagal na paghahanap, nakita ko ang DAMBUHALANG DICTIONARY na nagaantay lang dun sa sulok. Kinuha tapos tinignan ko kung pwede nang maging patungan at ayun, perfect! Yan lang pala ang kulang para makumpleto ang set up para sa self-pictorial(may ganun ba?).
Paghahanda ng model: (ako nanaman! *taas ulit ng kamay*) naghalungkat lang naman ako ng mga damit sa cabinet na pwede pang isuot. Salamat at nakahanap ng kahit papaano’y matinong kasuotan. At ayan. Perfect ulit! Handa na ang lahat.
Medyo matagal din ang naganap na pictorial. Nagsimula ako ng 4:26pm, natapos ng 4:51pm (gawa-gawa ko lang ‘yang oras, wala namang battery yung mga orasan sa bahay eh). Pagkatapos, konting edit sa computer(kunyari marunong ako) at ayan.. tentenenen.. isang napakagandang… basura. Tenkyu! Tenkyu! Tenkyu! (oh, tama na..)
Eto ang mga pinaghirapan ko… pinaghirapan ko yan! Ang hirap kaya maghila ng orocan.. ano, angal pa? *wala akong pakialam kung magustuhan nyo man o hindi kasi kahit ako di ko rin gusto yan*.
CREDITS: Tita Joan for the jacket, stripes top and black boots. 168 mall-divisoria (sosyal!) for the stripes socks *tinawaran ko pa yan ah..* and my cabinet for the beaded top and skirt.
ayan po ang kinalabasan ng aking self-pictorial.
May panibago nanaman kayong hindi kapaki-pakinabang na bagay na natutunan. Hanggang sa susunod na pagkikita. Paalam! *kaway*
4 comments:
i love the socks!!!
ang cute nung style!!
ayos! love your style ~ pareho tayo!!
lurve it! hehe..btw, like ur theme!
Post a Comment