Monday, May 19, 2008

Pagmamahal

Lahat ay nagmamahalan.

Mabuti ba ito o masama?

Kung yung isang depinisyon ang titignan(love), oo maganda ang ibig sabihin nyan. PERO kung yung isa(PRICE HIKE), ay nako! Kahit saan mo tignan eh hindi maganda yan.

Mga gulay, mantika, harina, bigas, gasolina at ngayon pati kuryente. Lahat sila, nagmamahalan. Wala ng mura sa panahon ngayon. Ganun na nga kahirap ang buhay tapos sasabayan pa ng pagtaas ng presyo. Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ng mamamayang Pilipino? Kami na nga lang na nasa middle class eh nahihirapan na, pano pa kaya ang mga pamilyang nasa below poverty line.

Sabi nila, tataasan na daw ang minimum wage. Dadagdagan ng bente pesos ang sahod ng mga manggagawa. kaya daw ganun lang ang itataas sa sahod dahil baka hindi kayanin ng ibang maliit na kompanya at baka mapilitang magsara. Mas mahirap daw yun dahil mas mawawalan ng trabaho ang maraming manggagawa. kaya kahit ganoon lang kaliit ang itataas sa sahod eh tatanggapin nalang din ng mga grupo ng mga manggagawa ito. Kahit magkilos-protesta nanaman sila, hindi naman sila pinapakinggan ng mga GAHAMAN na politiko na patuloy na mabubuhay ng marangya dahil sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Habang ang iba ay swerte nalang kung makakain pa ng tatlong beses sa isang araw.

Balikan natin ang bente pesos na itataas sa sahod. Sa panahon ngayon, ano nga ba ang mabibili sa bente pesos? Isang kilong NFA rice o kaya naman, dalawang lata ng sardinas, o tatlong balot ng instant noodles. Kasya ba yan para sa isang pamilyang may limang anak at tatlo ’don ay nag-aaral. Pamasahe palang papunta sa eskwelahan ay kulang na kulang na.

Pamasahe. Mula sa dating P120.00, P140.00 na ang nagagastos to sa pamasahe kapag nagpupunta ako sa eskwelahan at pabalik sa bahay. Nadagdagan ng bente pesos ang pamasahe ako mula ng ipagbawal ang provincial buses sa Maynila galing sa south. Ang P20.00 na diperensyang yun ay mapambibili ko na ng isang kilong NFA rice, may sukli pa. Ang dating 11.50 na pamasahe ko sa jeep ay magiging 12.00 na sa miyerkules.

Bakit nagtataas ng pamasahe? Dahil nagtaas din ng krudo. Sa aking pagmamasid sa mga gasoline stations, ang diesel ay nagkakahalaga na ng P43.00 at ang premium at unleaded ay P51.00 kada litro. Sabi nila, nagtaas daw ng presyo sa world market kaya di maiwasang magtaas din ng presyo ang naglalakihang kompanya ng langis. Wala ba talagang MAGAGAWA ang gobyerno natin para mapababa ang presyo ng langis? O wala lang talaga silang GINAWA?

Sana naman maging aware na sila sa kahirapan ng bansa. Alam ko, may ibang tao na hindi ganun ka-aware sa mga kahirapang nangyayari sa iba nating kababayan. Di ko sila masisisi dahil nabuhay sila ng marangya. Pero may iba naman na nagbubulag-bulagan lang sa mga nagyayari. Kunyari hindi alam pero ang totoo, alam na alam nila ang mga nangyayari dahil sila ang may gawa nito. Ayoko nang maninisi, dahil kung magsisisihan lang tayo eh wala nanamang mangyayari at magpapaikot-ikot nanaman ang mga isyung yan. Lahat tayo dapat gumalaw, lahat tayo dapat gumawa ng paraan, dahil kung magtuturuan lang tayo ng magtuturuan eh wala nanaman ‘yang mapupuntahan. Kung paano yun gagawin, hindi ko pa alam, ang alam ko lang dapat may manguna sa ‘tin na MATINONG pinuno. At tayo naman ay dapat wag maging REKLAMADOR. Magtulungan tayo, magkaisa. Malaki ang magagawa nun sa bansa kapag lahat tayo ay kumikilos para sa pag-unlad ng bansa. Na alam kong pangarap ng bawat mamamayan dito sa Pilipinas.
*ang lahat ng nabasa nyo ang pawang opinyon ko lamang kung may mga komento kayo sa aking mga sinulat, ‘wag kayong magdalawang isip na sabihin sa ‘kin para alam ko din yung mga saloobin nyo .”

3 comments:

Anonymous said...

panahon pa ni lapu lapu yang kampanya ng pagkakaisa to the point that that word defines the meaning of 'idealism'.

just dropping by,
wei

Anonymous said...

wow...you're such an opin ionated youth. :) the youth of today should idolize you :) I admire you for being aware of what's happening and not being afraid to speak out. :)

Anonymous said...

wow...you're such an opinionated youth. :) the youth of today should idolize you :) I admire you for being aware of what's happening and not being afraid to speak out. :)

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape